by: John Enage
Kinumpirma ng isang reliable source na hindi dadalo nina Senador Bong Go at Bato dela Rosa sa pulong ng PDP- Laban na ipinatawag ni party vice chairman Alfonso Cusi sa lunes dahil wala itong atas mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa Konstitusyon ng PDP -Laban, ang Party Chairman at Party President lamang ang maaring magpatawag ng national council meeting.
Marami ang nagtataka sa biglaang pagpapatawag ng pulong ni Cusi na siya ring kalihim ng Department of Energy (DOE). Isang certain Matibag ang nagmamadaling isulong ang illegal national meeting kung saan isang national assembly ang naka-planong isagawa sa Setyembre.
Si Cusi ay dating kaaalyado ni dating Pangulong Gloria Arroyo at miyembro ng partido Lakas na sumapi sa PDP-LABAN kasama ang assistant nito na si Matibag sa panahon ng Administrasyong Duterte.
lumutang din ang mga balita kaugnay sa muling pagtakbo ni dating Pangulong Gloria Arroyo sa kongreso na naghahangad din makuha ang pwesto bilang House Speaker at ang balak nitong maging punong ministro upang maisulong ang Charter Change. Patuloy naman si dating Pangulong Arroyo sa paghimok kay Sara Duterte na tumakbo sa pagka-pangulo
Minamadali nga ba ni Cusi ang pag convene sa illegal national assembly kahit wala itong basbas ni Pangulong Duterte na maliwanag na isang paraan ng pagpapakita ng kanyang katapatan sa kanyang dating amo na si dating Pangulong Arroyo at kay future presidential candidate Sara Duterte.? kung saan itinaon pa ito sa kaarawan ng Mayor ng Davao City na posibleng regalo ni Cusi bilang pagsuporta sa kandidatura nito?.
Ganun pa man, anuman ang maging kaganapan sa pulong sa lunes hindi ito matatawag na isang official national assembly alinsunod sa party rules at magmimistula lamang siyang traditional "trapo". Ito ay isang malinaw na pagsunod ni Cusi sa kautusan ng kanyang dating amo bilang pagsuporta kay Sara Duterte.












